Wednesday, July 23, 2008

PRELIM

July 22-25, 2008- schedule ng prelim exams sa aming unibersidad. Busy-busyhan ang mga estudyante. karamihan ay makikita mong may hawak na libro,nagbabasa at syempre nagtetext.

Kanya kanyang paraan ng pagrereview. May seryosong seryoso sa pagmememorize,tulad ng iba sa aking mga kaklase. Mayroon din namang kulang na lang ay isubsob na ang mukha sa libro pero hindi mo maiintidihan kung totoong nagrereview o natutulog na lang. Sabagay, talaga namang masarap matulog este magreview sa library,malamig,tahimik at malamig.
.
.
.
*hikab*
.
.
.
"nakakadugo ng utak","nosebleed","napakahirap"-yan ang kadalasan kong naririnig sa mga estudyante pagkatapos nilang mag-exam.Ewan ko kung literal na nagdudugo ang utak at ilong nila, pero sang-ayon ako.mahirap nga!lalo pa't bago pa lang kami sa kolehiyo at hindi pa masyadong nakakapagadjust.

Kahit gaano pa kahirap ang exam,madami pa rin akong napansin. Isa rito ang pangongopya.Ibang iba ang pangongopya nung highscool kaysa sa college. mas malala. Next level ito...

Alam na alam na ng mga professor ang estilo ng mga estudyante sa pangongopya (akala lang nila) dahil kahit alam nila ang mga estilo,nakukuha pa rin ng mga estudyanteng magkopyahan dahil mas alam nila ang estilo ng mga titser kung kaya nakakapuslit pa rin ang mga ito sa pangongopya.Kahit anong gawin ng mga professor,kahit gaano pa sila ka-sigurista at strikto,nakakapangopya pa ruin ang mga estudyante.Talagang umaandar ang KATALINAWAN este KATALINUHAN ng mga estudyante kapag exam.

Ilang beses ko na yang napatunayan.Siguro ay hindi ko na kailangan pang pahabain pa ito dahil araw-araw ay nangongopya tay...*aminin!*..Hindi man ito exam o quiz,sa isang maliit na paraan ay nakakapangopya pa rin tayo nang hindi natin napapansin.

Masama ang mangopya. Kaya kung maiiwasan natin ay iwasan natin. Mas maganda pa rin na tayo ang orihinal.

kung mayroon kayong nais ishare sa amin,i-email lang po sa kevintibayan@yahoo.com o i-comment dito.

pasensya na kung magulo itong article na ito.sinisipon kasi ako kaya di ako mkapag concentrate...

No comments: