Saturday, July 12, 2008

Blog..Blog..Blog...

July 12,2008
saturday
08:42 pm

Hindi ko naman talaga hilig ang pagsusulat, lalo na ang pagba-blog.Wala nga akong ideya kung papaano ito ginagawa kaya kung hindi nyo ito nagustuhan,pasensya na.

Wala naman akong magandang karanasan na maibabahagi sa inyo.Di tulad ng ibang mga nagsusulat ng blog,simple lang ang gusto kong isulat,yun lang mga bagay na gusto kong ikwento.

Marunong naman akong mag-english pero mas maganda kapag tagalog para lahat ng makakabasa ay maiintindihan (liban na lang sa mga taong di sanay managalog at yung pinipilit kalimutan ang salitang Filipino).

Wala naman akong intensyong maka-offend ng iba, pero ang napansinko, kahit mga pilipino ang sumulat ng blog,Ingles pa rin ang gigagami na wika.Hindi ko alam ang dahilan nila. Maaaring mas bihasa silang mag-ingles at mas naipapahayag nila ang mga nararamdaman nila kapag Ingles ang gamit nila.

Pero may ibang blog na hindi ko maintindihan ang nais iparating sa mambabasa. Nabisita ko ang isang blog,maganda ang layout nito. Talagang pinagbuhusan ng panahon. Pero mayroon akong napuna, Ingles ang wikang ginamit niya. Hindi naman ako tutol sa wikang ingles kaya lang, naisip ko,naiintindihan kaya ng nagsulat ang sarili niyang blog?dahil kasi sa sobrang komplikado ng pagkakagamit ng ingles ay hindi ko na maintindihan nag ibig niyang sabihin.Pinabasa ko rin ito sa kaibigan kong bihasa sa ingles(mas bihasa kaysa sa akin). Ngunit siya rin mismo ay hindi niya maintindihan ang nilalaman nito.Kung baga,wala naman talagang saysay ang sinulat niya kung tutuusin. Maaaring mayroon ngunit hindi niya maiparatng dahil pilit niyang ginagamit ang wikang hindi naman talaga niya wika.

Kung nabasa mo ito at nagkataon na may blog ka na ingles ang wika,paumanhin.Hindi ko intnsyon ang mang-offend ng tao. Ito lang ang pananaw ko.

.
.
.
.
.
.
.
(nag-iisip)
.
.
.
.
.
(walang maisip)
.
.
.
.
.

Ito ang unang beses kong magsulat kay kung may mali man sa sinulat ko,paumanhin ulit.Mabuti pa ay mg-iwan ka ng comment at nang para sa susunod ay mababago ko ang mga pagkakamali.
Salamat..

(kakain muna ako...)

No comments: